Catanduanes, kabilang sa 2 natitirang probinsya sa Bicol na hindi pa nakakapagtala ng COVID-19 Delta variant

CATANDUANES —Kinumpirma ng Department of Health Bicol na wala pang naitatalang Delta variant ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa ulat ng ahensya, tanging ang Catanduanes na lamang at ang Camarines Norte mula sa anim na probinsya sa rehiyon ang wala pang naitatalang kaso ng Delta variant, bagkus binigyang linaw nito na tanging limang kaso lamang ng Alpha variant at anim na Beta variant ang nairehistro mula sa probinsya.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matatandaang una nang itinanggi ni DOH-Catanduanes Provincial Health Officer Dr. Robert John Aquino ang kumalat na maling impormasyon hinggil sa umano’y pagkakatala ng Delta variant sa lalawigan matapos na isang lokal na pahayagan mula sa lugar ang naglabas ng hindi beripikadong balita hinggil dito na agad rin nilang binawi.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, nananatili sa 88 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa isla mula sa kabuuang 1,057 na confirmed cases.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

932 sa mga ito ang nakarekober na habang 38 naman ang binawian na ng buhay.

Kaunay nito patuloy pa rin ang paalala ng PHO sa bawat Catandunganon na sundin ang mga umiiral na minimum health standards at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out upang mapigilan ang patuloy pang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa islang lalawigan.###