68 rape cases naitala sa Camarines Sur ngayong 2021

NAGA CITY- 68 na ang naitalang rape cases sa Camarines Sur mula nitong Enero 2021 hanggang nitong Agosto.

Ito ay ayon kay PLt.Col Nanie Precy Alcala, Chief ng Provincial Women and Children Protection Desk. Sinabi pa nito sa Brigada News FM Naga na mas mababa ito kumpara noong 2020 na mayroong 122 mula Enero hanggang Agosto.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon kay Alcala , sa record ang iba ay matagal nang nangyari subalit huli lamang ipinaabot sa mga otoridad.

Tinututukan ng PNP ang mga insidente ng pang-aabuso sekswal o ang kanilang  Oplan KASKAS (Kasurog asin Sociodad: Kontra abusong sekswal).  Halimbawa nito sa Bayan ng Bombon ibinahagi ni OIC PLt. Fatima  Lanuza, na idinaraan nila sa social media ang kampanya at may mga pagkakataon din na umiikot sa mga komunidad.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Aminado si Lanuza na kapag face-to-face ang lecture o kampanya, mayroong mga hindi interesadong makinig. Mahalaga aniyang may kooperasyon dahil may ilang babaeng hindi alam na ang ginawa sa kanila ay pang-aabuso na pala.