Cassava production sa CALABARZON, target na mapataas

Target ngayon ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) na mapataas ang produksyon ng cassava sa buong rehiyon.

Ayon sa DA-4A, isinusulong nila ang pagtatag ng mga cassava model farm sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon para magkaroon ng sapat na supply ng cassava o kamoteng kahoy.

Read More:  Man stabbed by neighbor in Dapitan City

Sa bahagi ng Batangas, ipinamahagi sa 30 magsasaka ng Green Farm Farmer’s Association ang 390,000 piraso ng cassava seeds at 200 bags ng fertilizer sa mga cassava farmers sa bayan ng Tuy.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Ang naturang mga farm inputs ay umaabot sa P835,000 halaga.

Layunin ng naturang programa na maihanda ang mga benepisyaryo sa naturang bayan sa pagtatag ng kanilang 30 hectares Cassava Model Farm.

Malaki umano ang maitutulong nito para sa produksyon ng cassava sa rehiyon.