CAMARINES NORTE- Opisyal nang isinumite ni Cong. Josie Tallado ang kanyang sampung prayoridad na batas bago pa man ang pagbubukas ng Session sa 19th Congress sa darating na Hulyo 25, 2022.
Ang mga panukalang batas ni Cong. Josie Tallado ay ang Pension Fund Act for Poor Agricultural Workers, kung saan ito ay para magkaroon ng social pension ang mga mag-sasaka at mangingisda.
Pangalawa, ay ang Camarines Norte Elderly Care and Nursing Complex Act, kung saan layunin naman nito na mag-laan ng bahay tuluyan sa mga senior citizens.
Pangatlo, ay ang Barangay Officials and Workers Salary Act, kung saan ang pagkakaroon naman ng fixed na sweldo base sa salary grade na umiirial sa gobyerno, ang layunin ng batas na ito , para naman sa mga opisyales at manggawa sa Barangay.
Priority bills rin ng kongresista ay ang pagsusulong ng Ecotourism Act sa mga bayan ng Capalonga , Jose Panganiban, Labo, Paracale, at Sta. Elena na hangad ang mapondohan ng gobyerno ang ecotourism zone para sa karagdagang kabuhayan dito.
Kabilang rin sa isasaprayoridad ang Jose Panganiban Special Non-Working Holiday Act na layong mabigyan ng sapat na rekognisyon ang bayaning si Jose Panganiban upang maging ganap nang Special Non-Working Holiday katulad ng pag-gunita sa selebrasyon ng Vinzons’s Day.
Habang ang ika- sampung batas naman na nais tutukan Rep. Tallado ay ang First (Regular) District Engineering Office Act na layunin namang magkaroon ng 1st District Engineering Office sa lalawigan ng Camarines Norte.
