Case build-up ng COMELEC vs Guo, inihahanda na

Iniisa-isa na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bawat impormasyon hinggil sa imbestigasyon sa pagkatao ni suspended Bamban Mayor Alice Guo, at ang koneksyon nito sa ilegal na POGO.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hihilingin nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang fingerprint examination para magamit sa pagbi-build up ng kaso kasaling mayroon man.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Target din umano ng komisyon na makuha ang kopya ng ihahaing quo warranto petition ni SolGen Menardo Guevarra upang makita kung mayroon ba talagang nangyaring misrepresentation.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Binigyang-diin ni Garcia na magre-rely sila sa kaso ng Solicitor General, at sa mga findings na nakalap ng NBI.

Pero pinakamabigat aniya na kanilang pagbabatayan – ay ang findings ng Senate Committee na gumagawa rin ng imbestigasyon hinggil sa suspendidong alkalde.