Wala pang naitatakdang petsa ang panunumpa ni incoming DepEd Secretary Senator Sonny Angara.
Ayon kay Presidential Communications Office secretary Cheloy Garafil, nananatiling kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon si Vice President Sara Duterte hanggang July 18.
Matatandaang nakasaad sa resignation letter ni VP Sara na July 19 ang effectivity ng kanyang resignation.
Kahapon ay mismong si Pangulong Marcos ang nag- anunsiyo sa 17th Cabinet Meeting sa Malacañang na tinanggap ni Angara ang trabaho sa Education portfolio.