Nangako ang Philippine National Police (PNP) na palakasin ang presensya nito sa mga train stations sa Metro Manila.
Ito’y matapos lumabas sa kanilang datos na may humigit-kumulang 80 krimen na naitala sa mga tren sa Metro Manila sa pagitan ng 2023 at 2024.
Sa 83 krimen na naganap sa MRT, LRT1 at LRT2 simula noong 2023, 44 ang insidente ng pagnanakaw, 8 ang sexually related, 6 ang nauugnay sa pekeng bomb threat, habang 7 ang sangkot sa iligal na pagdadala ng baril.
Ayon kay PBGen. Rogelio Ponce Peñones, deputy regional director for operations ng NCRPO, hindi bababa sa 18 marshals ang na-deploy na nila, habang naglagay rin sila ng police desk sa 45 train straions sa Metro Manila.