Carlo Aquino, kinumpirmang hiwalay na sila ni Trina Candaza

Inamin ni Carlo Aquino na hiwalay na sila ng kanyang nobya na si Trina Candaza.

Pagkumpirma ni Carlo, nitong taon lang umano sila naghiwalay ni Trina.

Sa gitna nito, hindi na nagbigay ng ibang detalye ang aktor, pero sinabi niya na civil parin ang kanilang pagkikitungo sa isa’t-isa at nagkakausap pa rin umano sila tungkol sa kanilang anak.

Dagdag pa nito, nadadalaw at nahihiram parin umano niya ang kanya anak mula sa dating nobya.

Matatandaan na naging usap-usapan ang relasyon ng dalawang nang mag-post si Candaza tungkol sa “self-worth.”