Nagpasa na ng kanyang resignation si Will Smith mula sa Oscars, matapos ang kontrobersiyal na pag-atake nito kay Chris Rock sa gitna ng award ceremony.
Saad ni Smith, nagbibitiw na siya mula sa pagiging miyembero sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences, at tatanggapin umano niya ang anumang consequences ng Board.
Pag-amin pa nito, ang kanyang ginawa sa 94th Academy Awards presentation ay “shocking, painful, at inexcusable.”

Dagdag nito, ang listahan ng kanyang mga nasaktan ay mahaba, kabilang na si Chris, ang kanyang pamilya, karamihan sa kanyang kaibigan at mahal sa buhay, at lahat ng mga dumalo, maging ang mga nanuod sa buong mundo.