CAMARINES NORTE- Dinukot ang caretaker ng isang Resort sa Barangay Cayucyucan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte dakong ala una Linggo ng hapon.
Tinatayang nasa anim na kalalakihan umano ang dumukot sa biktimang si alyas “Engkoy” at isinakay sa puting van na humarurot ng takbo patungo sa direksyon ng bayan ng Basud.
Eklusibong nakapanayam ng Brigada News FM Daet sa pamamagitan ng telepono ang kapwa nito caretaker ng Palms Farm Resort na si “Dory” na humiling na huwag nang bangitin ang buo niyang pangalan dahil sa isyung panseguridad.
Ayon kay Dory, nag chat umano sa kaniya ang pamangkin para ipalaam na mayroong mga taong pumasok sa resort na Sabado pa raw pala ay pabalik- balik na sakay ng puting van.
Tiningnan umano ito ni “Engkoy” at maya- maya lamang ay sumisigaw na ito at humihingi ng tulong.
Noong oras umanong iyon ay mayroong tatlong kalalakihan na naunang pumasok sa resort na sa pag aakala pa raw niya ay tutulungan siya dahil kasabay niya ang mga itong tumakbo patungo sa kung saan naroon ang biktima na hawak na ng iba pang kalalakihan.
Nagpupumiglas umano ang biktima habang sinasaktan ng mga suspek.
“Natalikod pa lang ako nagkukurahaw nang ate Dory, Ate Dory tabangi man ako, inabutan ko pa man ngani, pigparahila ko, kundi nag- abot na hanggang duman sa sasakyan talagang nagpupulyaw siya,” ani Dory
“Nagdalagan na din pag dalagan ko, akala ko tatabangan ako, sabing ako na ngaya a bahala ate sabing arog kayan, pero nagparadalagan ako pighihila ko si Engkoy pigang hila ko, sabi ko dae nindo maboot yan na tao, sabi ko ma yan atraso digdi sa Barangay, maboot niako yan na maray, nagsabi man ngani siya na wala akong atraso papakita ko may ID ako sabi ming arog kayan.”
Wala na umanong nagawa si Dory dahil maging siya ay tinutukan na rin ng baril ng isa sa mga suspek.
“Dae ko siya binubutsan kundi tinutukan ako nin badil, pero si kurahaw ko abot na palan sa barangay may nagrarani palan kundi sinesenyasan badil.”
“Tinutukan ako kaya binutsan ko, sabi daa sige, sige sabing arog kayan sako, binutsan ko diresto na sara si van ikinarga na harurot.”
Umapela naman si Aleng Dory sa mga tumangay sa kaniyang kasamahan na ibalik ito sa kanila ng ligtas.
Wala rin umano silang alam na kaaway si Engkoy na aniya ay isang taong matulungin.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa ng hot pursuit operation ang PNP.
