Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang special envoy sa National Eucharistic Congress sa United States.
Ayon sa news service ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ng presidente ng US Conference of Catholic Bishops (USCCB) na si Archbishop Timothy Broglio na ang pagkaka-appoint kay Tagle ay isang regalor sa Eucharistic Congress.
Isasagawa ang ika-10 National Eucharistic Congress sa Indianapolis sa darating na July 17-21.
Pangungunahan dito ni Tagle ang closing ng Holy Mass.
Ito na umano ang unang National Eucharistic Congress sa nakalipas na halos kalahating siglo.