Capalonga huling munisipyo sa Camarines Norte na isasailalim sa BNEO seminar ang mga opisyal ng Barangay

CAMARINES NORTE – Nagsimula na kahapon ang Barangay Newly Elected Officials (BNEO) seminar para sa mga opisyal ng Barangay sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Provincial Director Melody Relucio ang unang batch ng mga Barangay officials sa naturang bayan ay sasailalim sa BNEO seminar mula kahapon hanggang ngayong araw ng Biyernes.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang sunod naman ay sa Lunes hanggang Martes at Miyerkules hanggang Huwebes.

Una nang iginiit ng ahensiya na mandatory para sa mga halal na opisyal ng Barangay ang pagdalo sa BNEO seminar.

Dagdag pa ni Relucio na tuloy- tuloy lang ang programa ng DILG patungkol sa good local governance at lagi lang umanong nakaalalay ang ahensiya sa mga LGU.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Magugunitang Pebrero nitong taon nang simulan ng DILG ang capacity building activities para sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay kasama ang mga appointed officials tulad nng Secretary at Treasurer.