Timor-Leste, pinagbigyan ang hiling ng DOJ para sa extradition ng dating Negros Oriental Rep. Teves Jr.

Aprubado na ng korte sa Timor Leste ang hiling ng Department of Justice na ibalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Ayon kay Justice Assistant Sec. Mico Clavano, pinaghahandaan na nila ang pagbalik ng dating Kongresista para masampahan ito ng kaso.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at ilan pang sibilyan noong 2023.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Mamabatid na nitong Marso, inaresto si Teves habang naglalaro ng golf sa Timor-Leste. Kasunod nito ang pagdinig sa hiling ng Pilipinas na ibalik siya sa bansa para litisin.