100% na tugma ang mga election returns na pino-proseso ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa tally ng Commission on Elections transparency media server.
Sa ulat ng PPCRV, na-validate na ang 16,820 na mga ERs na bahagi ng kabuoang 24,640 ERs na natanggap ng election watchdog.

Ayon kay PPCRV spokesperson Atty. Vann dela Cruz, hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang naf-flag na discrepancy sa bilang ng mga boto.
Samantala, tiniyak naman ng PPCRV na bukas sa publiko ang lahat ng mga data at dokumento nila para sa mga nais kumwestyon sa resulta ng halalan.
#