CAMARINES NORTE – Nanindigan ang Camarines Norte Electric Cooperative sa kasalukuyan nitong polisiya na “isang resibo, putol.”
Ayon kay General Manager Zandro Gestiada kailangan umanong ipatupad ang polisiyang ito dahil mayroon din namang due date na binabayaran ang Canoreco sa kanilang supplier.
Aniya, kailangang makolekta ang bayarin sa isang buwan dahil ang kuryenteng ginagamit ay binibili lang din ng Canoreco at kailangang bayaran sa tamang panahon.
Ito umano ang dahilan kung bakit higpit sinturon din ang Canoreco dahil wala itong mai- sustain pagdadating ng due date ng kanilang mga bayarin.
Sinabi ito ni Gestiada sa Open Forum sa isinagawang Annual General Membership Assembly ng naturang kooperatiba kuryente noong Sabado na ginanap sa covered court ng Camarines Norte State College dito sa Daet.
Ito ay bilang sagot sa tanong na bakit hindi mabigyan ng kunsiderasyon ang dalawang resibo bago maputulan.
Napanood din ang AGMA via facebook live streaming sa official facebook page ng Canoreco.
