Suot ang patong-patong na 90 t-shirts, natapos ng isang runner mula sa Alberta, Canada ang mahigit 20 kilometrong Hypothermic Half Marathon na nagtala ng panibagong world record sa Guinness.
Ayon kay David Eliuk, limang buwan niya itong pinaghandaan pero hindi niya inasahan ang pagbabago sa bigat ng mga damit at pagsikip nito, ngunit sa tulong ng kanyang team ay napagtagumpayan niya pa rin ang “t-shirt wearing” record na ito.
Aniya, kung ang pagsusuot ng 90 t-shirts ay nakapagpasaya sa araw ng isang tao, kung gayon ay nakamit niya ang isa sa kanyang mga layunin bukod sa kagustuhang mapasama sa Guinness.
Samantala, ang mga larawan at pruweba ng nasabing record breaking attempt ni Eliuk ay naipadala na sa Guinness World of Records para sa opisyal na pagkilala.
Matatandaan noong 2019, nang matanggap ni David Smith, isang British runner ang titulong “Most Worn T-shirts During a Marathon” sa pagsuot ng 76 t-shirts habang lumalahok sa pagtakbo.### RHODA REODIQUE, Intern