DOLE Region 3 binigyang diin na hindi nakakalimutan ng gobyerno ang kapakanan ng lahat lalo ng mga manggagawa

Binigyang diin ng Department of Labor and Employment Region 3 na hindi nakakalimutan ng gobyerno ang lahat lalo na ang mga minimum wage earners sa rehiyon.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ilan pang mga bilihin ngayon.

Kasabay ng nararanasang pandemya at krisis sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay DOLE Dir. Geraldine Panlilio, hindi nakapikit ang mata ng departamento sa kasalukuyang sitwasyon.

Paliwanag ni Panlilio, hindi tumitigil ang wage board, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga myembro ng board na siyang tumitingin sa minimum wage policy para sa mga manggagawa.

Kaugnay nito, mayroon na umanong natanggap na petisyon for wage increase ang DOLE Region 3.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Ito umano ang pag-uusapan ng mabuti ng lahat ng sektor kung ano ang mas mainam gawin tulad ng kung kailangan bang itaas ngayon ang pasahod o magbibigay ng mga alternatibong pamamaraan, programa o polisiya na makakatulong sa mga manggagawa at employers na parehong apektado ng pandemya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Shop Now Lazada Did you know? Vitamin c is rich in antioxidants. But How does antioxidant work in your body? ANTIOXIDANTS ANTS 금 102Cmesules ASCORBIC ASCORBICACID ACID CsciumAscerbale) scorbate) GUARD-C C FREE REERADICALS RADICALS VIT TAMIN- ASCORBIC ACID as Calcium Ascorbate) GUARD- www.aza.phbigiatlalli'