Naglabas ng travel notice ang Canada kaugnay sa Monkeypox laban sa mahigit dalawampung bansa.
Ilan sa mga ito ang Australia, Britain at ang America kung saan pinag-iingat ang mga biyahero.

Ayon sa Public Health Agency ng Canada, ang mga travelers ay haharap sa procedure para malimitahan ang pagkalat ng monkeypox tulad ng isolation oras na mahawa.
Una nang naitala ang 81 cases ng Monkeypox ang Canada kung saan pinakamarami sa mga kaso ay mula sa Quebec na pangalawang pinakamaraming tao sa nasabing bansa.
Matatandaan na 30 bansa na ang mayroong reported outbreaks ng viral na sakit.