Go kumpiyansang itutuloy ng next admin ang magagandang programa ni PRRD

Kumpiyansa si Senador Christopher “Bong” Go na itutuloy ng susunod na administrasyon ang magagandang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Malinaw ayon kay Go na karamihan sa atin ay nagnanais ng pagpapatuloy at umaasa siya na ang papasok na administrasyon ay maihahatid at maisulong pa ang mga pag-asa at adhikain ng mga tao.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Samantala, bilang mambabatas, tiniyak ni Go na magpapatuloy siya sa tahimik ngunit patuloy na pagtatrabaho at pagsisilbihan ang interes ng mga Pilipino lalo na sa mga panahong ito.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga kapwa senador sa kanilang suporta sa pagpapakilala, pagsusuri, deliberasyon at pinal na pag-apruba ng ilang panukalang batas na pangunahing itinaguyod ni Go.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sa ngayon, inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang 30 panukalang batas na itinaguyod ni Go na naglalayong mapabuti, bumuo at magtatag ng mga pampublikong ospital sa buong bansa.