Pumalag ang aktres na si Barbie Imperial sa mga pahayag ng ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga tungkol sa “cheating”.

Sa kanyang instagram stories, naging sunod-sunod ang reaction ni Barbie sa mga clips ng interview ni Diego.
Prangkahang post ni Barbie na “I never said this”, may kaugnayan sa sinabi ni Diego na tiniyak sa kanya ni Barbie na naniniwala siyang hindi siya nagtaksil sa kanya noong sila pa.
Binigyang diin ni Barbie sa kanyang huling post na wala siyang sinabi na masama laban sa kanyang ex-boyfriend noong nag-break sila pero hindi niya matatanggap na may mga nagsasabi ng mga salita na galing umano sa kanya gayung wala siyang sinasabi.
Sa kuwento kasi ni Diego sa isang interview, maayos silang nag-usap ni Barbie ilang linggo pa lang ang nakakaraan kung saan nalinawan umano nila ang mga issues at sinabi sa kanya ng dalaga na hindi ito naniniwalang nag-cheat sa kanya si Diego noong sila pa.