Viral ang isang lalaki matapos niyang madiskubre ang isang ‘rare’ na tipaklong sa Texas, na sa halip ay kulay berde ay kulay pink.
Kinilala itong si Dirk Parker, isang Environmental Inspector for Pipelines kung saan ayon sa kanya, hindi niya agad naisip na hindi pangkaraniwan ang kaniyang nadiskubre.
Kinuhanan niya ito ng mga larawan at pagkatapos ay ibinalik niya kung saan niya ito natagpuan, ngunit saka niya lamang nadiskubreng kakaiba ang tipaklong na iyon nang hinanap niya ito sa Google at nalaman niyang ang nasabing insekto ay may hindi pangkaraniwang kondisyon na tinatawag na “erythrism”.
Ang erythrism ay isang natural na kondisyon sa mga hayop kung saan nagkakaroon ang mga ito ng hindi normal na pamumula sa balat o balahibo.
Ayon kay Parker, bumalik siya roon kinabukasan upang kunin ang tipaklong at pinangalan niya itong “Pinky”.### ALLYZA BALLON, Intern