Camarines Sur hindi pa nakakapatala ng Election Related Incidents

NAGA CITY- Tahimik at wala pang naitatalang Election Related Incidents sa lalawigan ng Camarines Sur ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Atty. Niel Canicula, Election Officer ng Probinsya matapos ang ika-apat na Regional Joint Security Control Center Coordinating Conference na ginawa sa Legazpi City nitong nagdaang araw Abril 20.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Batid naman ng COMELEC ang ingay sa palitan ng mga komento sa social media ng kanya-kanyang mga facebook accounts at pages ng mga kandidato, sa panig aniya nila  anuman ang mga isyu sa mga kandidato susunod lamang sila sa mga desisyon ng COMELEC en banc.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, nagpapatuloy ang paghahanda ng tanggapan sa 2022 Elections, may final testing and sealing sa mga vote counting machines sa Mayo 3-4, 2022.