Camarines Norte wala pang naitalang kaso ng Omicron, bilang ng Delta at Beta COVID- 19 variants hindi na rin nadagdagan

CAMARINES NORTE – Nanatili sa 44 ang variants of concern ng COVID- 19  sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa Biosurveillance Report ng Department of Health hanggang nitong February 14, nanatili sa 37 ang kabuuang kaso ng Delta habang 7 naman ang Beta simula noong Disyembre ng nakaraang taon.

At sa kabila ng pagdami ng mga naitalang kaso ng COVID- 19 noong Enero, wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng Omicron sa lalawigan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mayroong 37 kaso ng Delta variant na nagmula sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Habang ang mga kaso  naman ng Beta variant ay nagmula sa Daet, Jose Panganiban, San Vicente at Sta Elena.

Paglilinaw ng DOH na ang bilang na ito ay base sa specimen na isinumite sa Philippine Genome Center at hindi nagpapakita ng kabuuang bilang ng circulating variants sa komunidad.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng ahensiya sa publiko na sundin pa rin ang health protocols kahit lumuwag na ang mga restrictions.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola, hindi dapat magpakakampante ang mga tao at bukod sa pagsunod sa health protocols ay mahalagang magpabakuna kontra COVID- 19.

Malaking bagay umano ang bakuna para maprotektahan hindi lang ang sarili kundi ang ibang tao sa pagkakaospital at malalang pagkakasakit.