CAMARINES NORTE – Wala nang naitalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte noong nagdaang linggo.
Batay sa datos ng Provincial Health Office hanggang kahapon, October 9, zero case na ang lalawigan na nakapagtala ng kabuuang 4, 942 kaso simula noong 2020.
Sa bilang na ito 304 ang naitala simula Enero hanggang kahapon.
Umaabot naman sa 296 ang bilang ng mga nasawi at 20 dito ay ngayong taon.
Nasa 4, 646 naman ang bilang ng mga nakarekober sa sakit.
Pero kahit wala nang kaso ng COVID-19 sa lalawigan may paalala pa rin ang PHO. Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco importante pa rin ang pag iingat at pagpapabakuna.
