CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan g ng Basud, Camarines Norte kasunod ng nangyaring banggaan sa pagitan ng pick-up at ng pampasaherong jeep noong Linggo ng tanghali, October 8.
Ayon kay Local Disaster Risk Reduction and Management Officer Carlos Lomallo madalas talaga ang mga aksidente kapag ganitong panahon lalo na at nalalapit na ang kapistahan ng naturang bayan.
Isa umano sa mga dahilan ng aksidente ay hindi kabisado ng mga motorista ang kalsada.
Tulad na lamang umano ng driver ng pick up na hindi naman taga Camarines Norte at tila napaidlip pa.
Batay sa Police report, 16 ang sugatan sa banggaan ng pick up at pampasaherong jeep
May mga pagkakataon naman aniya na ang dahilan ng aksidente ay dahil sa hindi magandang kondisyon ng kalsada.
Kaya naman may apela ang opisyal sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Maraming pagkakataon din aniya na ang dahilan ng mga aksidente sa kalsada ay ang mga pagala- galang aso.
