Camarines Norte Schools Division Office pinaalalahanan ang mga eskwelahan na sundin ang health protocols sa full implementation ng face-to-face classes

CAMARINES NORTE- Ipapatupad na ng Department of Education (DepEd) ang limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula  sa Nobyembre 2.

Kaugnay nito ay nagpaalala si Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo na mahigpit pa ring ipatupad ang health protocols kontra COVID- 19 sa mga eskwelahan.

Sa programang DepEd Hour, sinabi ni Guemo na bagamat babalik na sa dati o pre- pandemic era ang pagpasok sa eskwelahan ay dapat mahigpit na sundin pa rin ang health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ani Guemo, hindi pa rin nawawala ang virus at sa katunayan ay mayroon pa ngang natuklasang bagong COVID- 19 variant.

Dapat umanong ipatupad ang mga kinakailangang pag iingat para hindi makuha ng estudyante at mga guro ang virus.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Una na ring sinabi ng DepEd Central Office na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula Nobyembre 2 sa kabila ng kumpirmasyon ng  Department of Health (DOH) na nakapasok na sa bansa ang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19.

Sabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pang anumang amendments o pagbabago sa Department Order (DO) No. 34.