Camarines Norte Police Provincial Office nagpalabas ng advisory kaugnay sa COMELEC Gun Ban

CAMARINES NORTE- Nagpalabas ng Advisory ang Camarines Norte Police Provincial Office kaugnay sa Gun Ban base sa ipinalabas na Press Statement ng COMELEC.

Ito ay kaugnay sa magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung saan ang Gun Ban ay tatagal mula Oktubre 30, hanggang Nobyembre 29, 2023.

Ayon sa CNPPO, ipinagbabawal sa panahon ng halalan ang pagdadala ng mga baril at iba pang nakamamatay na armas sa labas o lugar ng negosyo, at sa lahat pampublikong lugar.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang paglabag sa alinman sa mga ipinagbabawal ay may parusang pagkakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon nang walang probasyon, permanenteng diskwalipikasyon upang humawak ng pampublikong tungkulin at pagkakait ng karapatan sa pagboto. Kung ang lumabag ay isang dayuhan, siya ay masesentensiyahan ng deportasyon pagkatapos ng kaukulang termino ng bilangguan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantala, ang CBFSC ay nagsimulang tumanggap ng maagang paghahain ng mga aplikasyon para sa pag-iisyu ng Certificate of Authority (CA) para sa Gun Ban exemption noong Hunyo 5, 2023, at magtatapos sa Nobyembre 15, 2023.