Tauhan ng NCIP Labo Service Center nagsagawa ng dokumentasyon kaugnay sa laro ng katutubong Manide sa bayan ng Capalonga

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng dokumentasyon ng laro ng katutubong Manide sa bayan ng Capalonga ang mga tauhan ng NCIP Labo Service Center

Isinagawa ito noong katapusan ng Mayo taong kasalukuyan sa Barangay Alayao sa bayan ng Capalonga kung saan ay isinalaysay ng mga nakakatandang katutubo ang kanilang kinagisnang laro sa mga batang Manide.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Ang nasabing dokumentasyon na isinagawa ay isa sa tungkulin ng naturang ahensya na maipreserba ang mga kultura’t tradisyon ng mga naturang katutubo.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Ito ay batay sa Republic Act No. 8371 na kilala sa tawag na The Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 o IPRA LAW. Isang batas na kumikilala, nagpoprotekta at itinataguyod ang karapatan ng mga katutubong kultural na komunidad.