COVID-19 delta variant cases sa Camarines Sur lahat na naka rekober subalit mga close contacts hinahanap

NAGA CITY- Nakarekober na ang lahat na naiulat na tinamaan ng COVID-19 Delta Variant sa Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PDRRMC Chief Che Bermeo , aniya matagal kase bago mailabas ang resulta ng genome sequencing mula sa Philippine Genome Center.

Mababatid na walo ang naitala sa Camarines Sur liban pa sa apat sa Naga City. Ang walo sa probinsya ay  mga residente ng  Barangay La Medalla  sa bayan ng Baao;  Malinao, Bagumbayan at Matalisay sa Libmanan; dalawa sa Sto. Domingo Nabua isa sa mga ito ang una nang naiulat; isa sa Sagurong Pili at isa rin sa Barangay Salvacion Ocampo.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Bermeo, nakarecover man ang mga ito nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha. Lahat aniya ng COVID- positive ngayon ay treated bilang delta variant , ipinasusunod ang end-to-end swabbing; daraan sa swab testing pagpasok sa isolation facility at paglabas.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Pagpupunto pa ni Bermeo ang laban ngayon sa mga variants ng COVID-19 ay wala na sa border control point kundi nasa loob na ng bawat komunidad.