Camarines Norte kabilang sa mga probinsiya sa Bicol na nasa Alert Level 4 sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- Napabilang ang lalawigan ng Camarines Norte sa limang probinsiya sa Bicol Region na nasa Alert Level 4 na ng COVID-19 Risk Classification Level.

Ayon sa Epidemiology Bureau ng Department of Health Central Office, ang lahat ng probinsya ng Bicol Region maliban sa Catanduanes ay nasa Alert Level 4 na ng COVID-19.

Dahil umano ito sa pagkakaroon ng kaso ng mga COVID-19 variants at dagdag pa dito ang mga ospital at pasilidad na puno na, at malapit ng mapuno.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kasama dito ang tatlong COVID-19 Referral Hospitals – ang Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) at Bicol Medical Center (BMC) na puno na, at ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital na malapit na ring mapuno.

Umaabot na ngayon sa  901 ang aktibong kaso ng sakit sa Camarines Norte.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Wala namang naitalang bagong kaso ng variants of concern sa lalawigan pero mayroon na itong tatlong kaso ng Delta.

Umaabot na rin sa pito ang mga kaso ng Beta variant.

Kaugnay nito pinapaalalahanan ang publiko na laging sundin ang Minimum Public Health Standards para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Hinihikayat din na magpabakuna na para sa dagdag proteksyon laban sa COVID-19.