DOH inirekomenda ang pagsasailalim sa granular lockdown sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Inirekomenda ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang pagsasailalim sa granular lockdown sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID- 19.

Sa isinagawang COVID- 19 Ulat sa bayan sinabi ni DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera na panahon na upang ipatupad ang granular lockdown  dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit.

Gayunman nilinaw ni Vera na ipapaptupad lang ito sa mga lugar na mataas ang kaso at hindi kailangang i- lockdown ang buong munisipyo o lungsod.

Paliwanag ni Vera, kung halimbawa ay may tatlong pamilyang may COVID sa isang Purok ay ang bahay lang nito ang ila- lockdown.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Pwede rin umanong i- lockdown ang buong Purok kung kinakailangan.

Ito umano ay upang hindi maapektuhan ang ekonomiya ng buong bayan o lungsod at maari pa ring makapagtrabaho ang mga tao bukod pa sa mas madali itong gawin.

Ginagawa rin umano ang pagsasailalim sa granular lockdown sa isang lugar upang bigyang daan ang maigting na contact tracing.

Binigyang diin ni Vera na isa sa component upang maging matagumpay ang pagpigil sa pagkalat ng COVID- 19  ay ang tamang paraan ng pagsasagawa ng contact tracing.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nasa Lokal na Pamahalaan na umano ang pag determina kung ano- anong mga lugar ang isasailalim sa granular lockdown.

Mula September 23- 25 o sa loob lang ng tatlong araw ay nasa 129 ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pinakamataas ang mga naitalang kaso sa bayan ng Daet na may 30 na sinusundan ng Talisay na may 23.

Pangatlo naman ang Labo na may 19, pang apat ang Jose Panganiban na may 17 at pang lima ang Basud na may 12.