Bagong fire truck, nai-turn-over na ng BFP Bicol at AKB party-list sa Malilipot, Albay

Naiturn-over na ang bagong unit ng fire truck para sa Malilipot Fire Station mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa pakikipagtulungan ng AKB Partylist partikular sina Cong. Rep. Zaldy Co at Rep. Jil Bongalon.

Pinangunahan ang gawain ng nasabing party-list kasama nina Malilipot Mayor Cenon Volante at BFP Bicol Regional Director Renato Perdigon, ksaama ang BJMP, PNP at iba pang local officials.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon sa kongresista, may mga lugar sa rehiyon na wala pang fire station at fire truck.

Dapat umano na bawat munisipyo na may dalawampu’t dalawang libong populasyon ay mayroong fire truck upang makapagbigay ng responde sa mga masusunugan.

Pinaprayoridad na umano ng partylist sa rehiyon ang mga walang pang fire truck, kung saan hahanapan ito ng pondo upang mabigyan ito.

Aminado naman ang kongresista na may lugar sa munisipyo ang nahihirapang mabigyan ng fire truck dahil wala pang pondo para rito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dagdag pa nito, halos mahigit tatlumpung taon nang hindi nagkakaroon ng modernization sa firetruck ang nasabing bayan.

Sinabi rin nito na nakikipag-unahan na ang party-list sa ilang officials upang mabigyan ng pondo para sa pagtayo ng fire station at pagbibigay ng fire truck. Aabot naman sa P5M ang halaga ng fire truck na ibinigay ng DILG.