Nakabawi ang Pinoy gymnast na si Caloy Yulo mula sa naging kampanya nito sa Tokyo Olympics matapos nitong makaabanse sa finals ng tatlong events ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships.
Sa ginanap na men’s all-around qualifiers ng kompetisyon sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan ay nanguna si Yulo sa kaniyang pet event na floor exercises sa pamamagitan ng naitala niyang 15.166 points.
Natalo niya si MNinami Kazuki ng Japan na nagtala ng 14.966 at Karimi Milad ng Kazakhstan na nagrehistro ng 14.941.
Nakuha rin ni Yulo ang top spot sa qualification phase ng parallel bars na may 15.566 points habang nasa top 3 naman siya ng vault na may 14.808 points.
