NFA Camarines Sur, sinigurong di masisira ang palay kaugnay ng banta ng Bagyong Aghon

NAGA CITY-  Siniguro ng National Food Authority Camarines Sur na hindi masisira ang sako-sakong palay sa mga bodega, kaugnay ng banta ng Bagyong Aghon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay NFA CamSur OIC Branch Manager Marbin Malaban,  sinabing maayos naman ang lagay ng mga bubog ng mga bodega sa Pili at Libamanan pati Camarines Norte ngunit nagdodoble ingat pa rin aniya ang ashensya lalo na’t inaasahan ang malakas na pag-ulan sa Bicol Region.

Kahapon linagyan na ng mga trapal ang mahigit 200,000 na sako ng palay, wala naman aniyang dapat ipag-alala sa baha dahil elevated ang warehouses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *