NAGA CITY- 136 ang COVID-cases na naitala sa buong lalawigan ng Camarines Sur mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3, 2022 batay sa huling update ng Department of Health Bicol.
Sa mga bayan at lungsod ang Naga City ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na pumalo sa 40, nasundan ng Pili na may 12 at Calabanga 8 pareho sa Nabua na 8 , may kaso rin sa ibang bayan. Gayunpaman base sa monitoring ng DOH bumababa ang kaso.
Sa Naga City tuloy-tuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19 lalo pa ngayong palapit na ng palapit ang Peñafrancia Festival.
Payo naman ni City Health Officer Dr. Butch Borja, kung may nararamdaman mag-isolate upang hindi makahawa.
Kung oobserbahan ang publiko, marami na ang ayaw mag suot ng facemask dahil sa kanilang paniniwala tapos na ang pandemya.