Bulusan MDRRMC, regional awardee sa Gawad KALASAG 2021

SORSOGON CITY – Nasungkit ng lalawigan ng Bulusan ang isang Gawad KALASAG award para sa disaster risk reduction and management efforts nito mula sa Office of Civil Defense (OCD).

Kinilala ng OCD at RDRRMC ang Bulusan MDRRMC bilang ‘Bicol’s  best in disaster preparedness for 2021.’

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang MDRRMC at MDRRMO na pinangungunahan ni Mayor Michael Guysayko at Ken Mark Ragasa ay tinalo ang iba pang disaster management council sa buong bansa, ito ay dahil sa produkto ng pagsusumikap at dedikasyon sa serbisyo ng dalawang lider para sa mga mamamayan ng Bulusan.

Ang Gawad KALASAG (Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan) ay ang pangunahin at taunang parangal ng bansa para sa ‘outstanding contribution’ sa larangan ng disaster risk reduction and management at humanitarian assistance.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ito rin ang pangunahing mekanismo kung saan ang NDRRMC ay nagsusulong ng kamalayan sa mga ‘best practices’ ng DRRM at humanitarian o tulong na makatao.