‘Non-explosive’ eruption ng Mayon, nagdulot pa rin ng mas maraming lava flows

Mas maraming lava at mga debris ang umagos mula sa summit crater ng Bulkang Mayon dahil sa “non-explosive” eruption nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang  “very slow effusion of lava” mula sa tuktok ng Mayon ay patuloy na nagdulot ng lava flows at collapse debris sa Mi-isi at Bonga gullies sa timog at timogsilangang bahagi ng bulkan.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Dagdag pa nito, nag-advance sa maximum lengths na 1,500 meters mula sa summit crater.

Paglalarawan ni Science and Technology Secretary Renato Solidum sa kalagayan ng bulkan, na ‘non-explosive eruption’ o ang banayad na paglalabas ng lava mula sa bunganga ng Mayon.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 pa rin ang Mayon volcano, na ayon sa PHIVOLCS ay pahiwatid ng posibilidad na pagsabog sa susunod na mga araw at linggo. //SM, edited MHEL PACIA