Budget para higit 2,000 guests sa SONA ni PBBM – aabot ng P20M

Aabot ng P20 million ang gagastusin ng pamahalaan para sa pagkain ng higit 2,000 guests para sa ikatlong SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Secretary General Reginald Velasco, around P20M ang budget sa pagkain, pero hindi pa nila maire-reveal ang pinal na halaga nito lalo pa’t may security concerns ang mga caterers.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Saklaw na umano nito ang agahan, tanghalian, hapunan, at snacks para sa event na gaganapin sa July 22 sa House of Representatives.

Paglilinaw ni Velasco, hindi ito ‘too costly.’

Ang security personnel pa nga lang daw nila ay nasa hundreds na; ang Congress personnel ay nasa 2,000 hanggang 3,000; at ang mga guest naman ay higit-kumulang 2,000.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Nanindigan ito na ang naturang halaga ay tama lang para sa kanila.

Samantala, sinabi ni Velasco na ang kumpirmadong bilang na higit 2,000 attendees ay posibleng maging pinakamataas na bilang na sa history ng mga dumalo ng SONA.