BuCor chief Catapang – sinuspinde na ang strip search at cavity search sa Bilibid

Ipinag-utos na ni Bureau of Corrections director general Gregorio Catapang ang suspension ng strip search sa mga bibisita sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang pasilidad.

Kasunod nga ito ng mga reklamo ng ‘di umano’y panga-abuso sa mga kababaihang mga bisita ng mga PDLs.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa inilabas na memo ngayong araw, inatasan ni Catapang ang lahat ng mga superintendents na ihinto na muna ang strip at cavity search sa mga bisita.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Bago ito, una na siyang humingi ng paumanhin sa issue, at hinikayat pa ang Commission on Human Rights (CHR) na mag-imbestiga.

Bukas din daw umano sila sas CHR na i-revisit ang kanilang mga protocols.