Inangkin ng Milwaukee Bucks ang panalo sa Game 3 ng NBA Eastern Conference Finals sa mismong homecourt ng Atlanta Hawks, 113-102.
Dahil dito lamang na ang Bucks sa serye 2-1.
Bumida sa panalo si Khris Middleton na umiinit sa huling yugto ng laro at kumamada ng kabuoang 38 points at 11 rebounds.
Nag-ambag naman si 2-time MVP Giannis Antetokounmpo ng 33 points at 11 rebounds para selyuhan ang panalo.
Kontrolado pa ng Hawks ang laban hangang sa 3rd quarter ng laro at sa katunayan ay lumamang pa ito ng 15 puntos sa 1st half.
Tuluyan lang kumawala ang Bucks ng magpa-ulan ng tres si Middleton sa nalalabing anim na minuto ng 4th quarter.
Samantala humakot ng 35 points si Trae Young para sa Hawks subalit matapos matapilok bago matapos ang 3rd period ay tila lumamya ang performance nito sa huling quarter.
Samantala susubukan naman ng Hawks na makabawi sa Game 4 sa Miyerkules na gaganapin pa rin sa home court ng Atlanta.