Bucks nakabawi vs Suns sa tulong ng 41 points ni Giannis, 2-1 na!

Nakabawi ang Milwaukee Bucks sa Game 3 ng NBA Finals laban sa Phoenix Suns, 100-120.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling umiskor si 2-time MVP Giannis Antetokounmpo ng mahigit 40 puntos ngayong final series.

Humakot si Giannis ng 41 points at 13 rebounds para selyuhan ang panalo sa kanilang home court.

Dinagdagan naman ito ni Jrue Holiday ng 21 points at 18 points ni Khris Middleton.

Samantala inalat naman si Suns superstar Devin Booker na nagkasya lamang sa 10 points sa kanyang 3-of-14 shooting.

Nanguna naman si veteran guard para sa Phoenix na nagtala ng 19 points.

Gaganapin ang Game 4 sa Huwebes, July 15 sa home court pa rin ng Milwaukee.