Bucks muling nasungkit ang NBA title matapos ang 50-taon

Matapos ang limang dekada muling nasungkit ng Milwaukee Bucks ang NBA Championship matapos talunin ang Phoenix Suns sa Game 6 ng kanilang final series.

Sa pangunguna ni 2-time MVP Giannis Antetokounmpo na kumamada ng 50-points hindi na pinagbigyan ng Bucks na makabalik ang Suns para maipilit ang do-or-die game.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Naging susi sa panalo ng Milwaukee ang mahigpit na depensa nito sa mga star players Phoenix na sina Devin Booker na nagtala ng 19 points at Chris Paul na may 26 puntos.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Tinanghal naman bilang finals MVP si ‘The Greek Freak’ Antetokounmpo.

Bago ang kampeonato ngayong taon huling nakuha ng Bucks ang titulo noong 1971 sa pangunguna nina NBA legends Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.