Bucks at Suns maghaharap NBA Finals

Maghaharap ang Milwaukee Bucks at Phoenix Suns para pag-agawan ang mailap na NBA championship.

Ito ay matapos selyuhan ng Bucks ang finals ticket nang talunin ang Atlanta Hawks sa Game 6 ng NBA semis sa East 118-107.

Read More:  San Miguel forces deciding Game 5 against Ginebra; Converge advances to semifinals

Sa kabila ng hindi paglaro ng Milwaukee star na si Giannis Antetokounmpo, iginiya nina Khris Middleton at Jrue Holiday ang panalo sa kanilang 32 at 27 puntos.

Ito ang kauna-unahang NBA finals appearance ng Bucks simula 1974.

Read More:  UP Fighting Maroons extend winning streak to six after defeating Adamson in UAAP Season 89

Samantala magsisimula naman ang Game 1 ng NBA Finals sa Miyerkules na gagaganapin sa home court ng Phoenix.

Hindi pa rin malinaw kung makakapaglaro ang 2-time NBA MVP na si Antetokounmpo sa kanyang unang NBA championship game.