Bucks 9-0 na, sinuwag ang Thunders

Wala pa ring talo ang Milwaukee Bucks sa nagpapatuloy na 2022-2023 NBA season.

Hindi na kinailangan ng Bucks ang serbisyo ni two-time MVP Giannis Antetokounmpo matapos itong ma-sideline sa 108-94 victory laban sa Oklahoma City Thunders.

Read More:  San Miguel forces deciding Game 5 against Ginebra; Converge advances to semifinals

Bumida sina Brook Lopez na humakot ng 25 points at veteran Bobby Portis na nagtala ng 12 points at 21 rebounds para tulungang ibaon ang Thunders.

Read More:  Ginebra, San Miguel clash in winner-take-all battle for last semifinal spot

Dahil sa panalo umangat pa ang karatada ng Bucks sa 9-0 at natatanging NBA team na nanatiling undefeated.