Umabot sa mahigit dalawang daang mga bangka ang nasira sa Iba, Zambales dulot ng nakalipas na Bagyong Paeng.
Bagamat dinala umano ang mga ito sa mas ligtas na lugar ay inabot pa rin dahil sa lakas ng epekto ng bagyo.
Ayon kay Mayor Irenea Maniquiz-Binan, dalawamput isa ang totally damage habang 201 naman ang partially damage.
Dahil dito, apektado ng husto ang kabuhayan ng mga mangingisda sa mga coastal barangay kaya agad na isinailalim sa State of Calamity ang San Agustin, Lipay-Dingin, Bangantalinga at Amungan para matulungan ang mga ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: CZYRENE BALABA
