Naipresenta na kahapon ng Department of Budget and Management o DBM kay Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang proposal para sa pag amyenda ng ilang probisyon sa Government Procurement Act.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na suportado at kinikilala ng Pangulo ang pangangailangan na gawing moderno ang mga proseso sa pagbili alinsunod sa pagbabago ng panahon at pagsulong ng teknolohiya.

Ayon pa kay Pangandaman, dahil naging bahagi rin noon ang Pangulo ng LGU, may ibinigay rin itong mga mungkahi.
Samantala, saklaw ng magiging reporma sa GPA ang innovative procurement methods; efficient procurement; proper planning; digitalization; “Green” procurement; at iba pang miscellaneous provision.
Target naman ng DBM na tapusin ang pag amyenda sa loob ng dalawang linggo.