Brown Booby, isang endangered na ibon pinakawalan sa Masbate

SORSOGON CITY – Pinakawalan sa natural habitat nito ang ngayo’y kinukonsiderang isang endangered na ibon, ang Brown Booby sa bayan ng Mobo, lalawigan ng Masbate.

Natagpuan umano ng mga mangingisda ang higanteng ibon habang napupuluputan ng lubid sa tabing-dagat.

Mayroong sukat na aabot sa 5 talampakan ang wing span ng nasabing ibon habang  tumitimbang ito ng aabot sa 3 kilo. Nasa mabuting kondisyon naman ang ibon.

Kahit na umano’y sadyang may kalakihan, minarapat pa rin itong i-surrender sa mga awtoridad ng mga mangingisda imbes na katayin.

Umapela naman sa publiko ang Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) na i-report ang mga kahalintulad na insidente bago pakawalan ang nanganganib na specie ng ibon.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *