Tatlo, napaulat na nasawi sa Bicol Region dahil sa Bagyong Kristine

Tatlo na ang napaulat na nasawi sa Bicol Region dahil sa Bagyong Kristine.

Sa ulat ng PRO-5 , maliban sa napaulat na nasawi, anim ang napaulat na injured habang may isa pang nawawala.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dadaan pa sa beripikasyon ng NDRRMC ang ulat na ito ng PNP.

Samantala, nasa 303 barangays sa rehiyon ang lubog sa baha.

Pinakamarami ay sa Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte , Catanduanes at Naga City.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Halos 70 libong indibidwal ang apektado katambas ng 20 libong pamilya.

Nagpapatuloy sa ngayon ang malawakang rescue operation ng kapulisan sa mga apektado ng bagyo.