Ellen Adarna, nagreklamo sa poor quality ng passport photo

Nagpahayag ng kanyang pagkairita ang aktres na si Ellen Adarna, sa pagkakataong ito sa kanyang ID pictures, lalo na ang government-issued.

Bagama’t walang kahirap hirap ang ganda nito sa kanyang ID photo, umaasa parin si Ellen may improvement sa ID shoots.

Sa kanyang Instagram post, tila pabirong sinabi nito na sa susunod ay kukuha na umano siya glam team sabay tag kina @mickeysee @santiagoraymond.

Sina Mickey See at Raymond Santiago ay ang make-up at hairstyle artists na kilala sa showbiz industry para sa kanilang special glam photo shoots.

Sa kabila ng pagkadismaya, maraming netizens naman ang nagkomento ng pagpupuri sa ganda ni Ellen.