“Bote- bote” na gasolina, mahigpit na ipinagbabawal- BFP PPC

Muling nagbabala ang City Fire Department sa mga nagtitinda ng “Bote- Bote” na gasolina at krudo sa mga Rural Barangay sa Puerto Princesa City.

Ayon kay CINSP NILO T CAABAY JR, City Fire Director, dapat nang tigilan ang pagtitinda nito dahil maliban sa ito ay ilegal o ipinagbabawal ay lubhang napaka- delikado sa komunidad.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Sa pulong balitaan ng PIA sa Kapehan sa SM kahapon, iginiit ng opisyal na maaaring makasuhan ang mga nagtitinda at maaaring maipasara pa ang kanilang negosyo dahil dito.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Kaugnay nito, pinaigting ng Bureau of Fire Protection ang pagbabantay sa mga tindahan na unang nabigyan ng babala tungkol dito.